Ganito ang naging tugon ni Gob. Abet Garcia sa isyu ng Bataan Nuclear Power Plant (BNPP) sa panayam sa kanya ng media matapos ang groundbreaking ceremony para sa modern palengke sa bayan ng Pilar.
Ayon kay Gov Abet, marami nang mas makabagong teknolohiya, di gaya nitong BNPP na 50 taon na, na ligtas at pwedeng isa-alang-alang, mas bago, malinis at pang matagalan o di-nauubos (sustainable).
Sinabi pa ng magiting na Gobernador na, ang mungkahi umano nila ni Cong Joet ay i-convert ito sa isang cloud computing facility na pwedeng maging center for information hub hindi lamang sa ating lalawigan kundi maging sa buong bansa.
Ayon pa kay Gob. Abet, akmang akma ang BNPP na gawing isang cloud computing facility dahil secured ang istruktura nito.
The post BNPP pwedeng gawing cloud computing facility appeared first on 1Bataan.