Kapag sinabing cruise, ito ay ikinakabit natin sa katagang turista, na may katumbas na kahulugang dagdag na kita sa kaban ng lalawigan. Ito ang buod ng ibinalita ni Phil. Ports Authority (PPA) Manager Jenneliza Rebong, Ports Management Office ng Bataan-Aurora na nakabase sa Lamao, Limay.
Ayon kay Manager Rebong, ang talagang mandato ng kanilang Ahensya (PPA) ay nakatuon sa commercial ports, para sa mga commercial cargo, pero dahil sa mga bagong kaganapan at upang suportahan ang industriya ng turismo ay naisip ng kanilang Gen. Manager, Jan Daniel Santiago, na paunlarin ang kanilang mga ports para sa mga cruise ships. Nagawa na nila ito sa mga probinsya ng Puerto Prinsesa, Siargao, Bohol at Currimao, kung kaya’t nais nila na paunlarin ang Port of Capinpin sa bayan ng Orion. Habang ipino-proseso ay bubuhayin nila ang ferry services sa Port of Capinpin, dahil naniniwala sila na hindi lamang mga pasahero na papunta ng Manila at pabalik ng Bataan ang mga sakay nito kundi maging mga turista rin na nais makita ang magagandang lugar sa Bataan.
Ipinagmamalaki rin ni Manager Rebong na nitong nakalipas na taong 2023, ang kanilang ahensya ay kumita at nalampasan ang kanilang target sa kabuuang halaga na, P601, 689, 636.39 samantalang sa unang quarter pa lang ng taong ito ay nakapagtala na sila ng kita na aabot sa halagang P201, 458,826.07 na malaking tulong sa kanilang mga bagong proyekto na pagpapaunlad ng mga daungan para sa mga cruise ships.
The post Cruise ship, dadaong na sa Bataan? appeared first on 1Bataan.