“Disneyland” sa Pilar

Philippine Standard Time:

“Disneyland” sa Pilar

“Kung hindi sila makapupunta sa Disneyland, gumawa kami ng paraan para madala ang Disneyland dito”, ito ang sabi ni Vice Mayor Ces Garcia.

Nais umano nila nina Mayor Charlie na pasayahin ang mga batang may mga sakit na leukemia, sa puso at iba pa, na kanilang tinutulungan. Sila ang bida sa Christmas lighting ng gabing iyon na ang tema ay Disneyland.

Sa kanyang mensahe sinabi ni Mayor Charlie Pizarro na hindi pa man tapos ang Pasko ng nakaraang taon ay nakonsepto na niya ang Disneyland theme, dahil nais nilang bigyan ng importansya ang mga batang maysakit at pasayahin sila sa gabing iyon.

 

Samantala sa ganda ng patatanghal ng mga batang nakibahagi sa parade of lights at nagsayaw, talaga umanong natuwa si Gov. Joet kung kaya’t dinoble nito ang mga premyo ng mananalo, na proyektong imprastraktura para sa kanilang paaralan. Bukod sa pinadoble ni Gov. Joet Garcia ang papremyo sa mananalo sa 12 paaralan ay talagang pinuri ni Gov Joet ang effort ng bayan ng Pilar sa magandang disneyland theme na ginawa nila para maging makahulugan ang diwa ng Pasko para sa mga taga Pilar.

Lalo namang nagpasaya ang mensahe ni Cong Abet Garcia sa kanyang pagbati na, truly it is a magical evening sa Christmas lighting sa bayan ng Pilar, na ayon pa sa kanya kung dinoble nila ang papremyo ay ginawa naman niyang triple ang premyo, na mula sa 50k na 1st prize, ay naging 100k at sa kanya ito ay naging 150k, gayundin ang iba pang premyo na talaga namang nagpalakpakan ang mga tao sa tuwa.

Sa Municipal ID ng Pilar, sinabi ni Mayor Charlie sa awiting “Tayo pa rin sa Pasko” na ang ibig sabihin ay tayo pa rin ang magkakasama, tayo pa rin ang pamilya na nagmamahalan sa bayan ng Pilar.

The post “Disneyland” sa Pilar appeared first on 1Bataan.

Previous Door-to-door na regalo sa Abucay

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.