Isa na namang pag-unlad ang ibinahagi ni Mayor Jopet Inton ng Hermosa sa media matapos dumalo sa ribbon-cutting sa grand inauguration ng YFC Development Corporation at YFC Boneagle Electronic Technology Phil. Corp. sa Hermosa Industrial Park, kamakailan.
Ayon kay Mayor Inton, hindi lamang 700 pamilya ang makikinabang sa mga trabaho mula sa expansion na ito, kung hindi maaaring umabot sa 2,800 pamilya kung imu- multiply mo sa apat ang nasabing numero dahil hindi lamang ang mga direktang magta-trabaho sa pabrika kung hindi, maging sa negosyo, sa transportasyon, sa pabahay at iba pang pwedeng pagmulan ng pagkakakitahan.
Sinabi pa ni Mayor Inton na ang expansion na ito ay bahagi ng 7 Taiwanese firms na nag-commit na palalawakin pa ang kanilang operasyon sa bansa na may investment pledges na 3.7 bilyong piso bukod pa sa ibang kompanya na interesadong mamuhunan dito.
Nakasama ni Mayor Jopet Inton sa nasabing inagurasyon ang Taiwanese Ambassador na si Michael Pei-yung Hsu, Arthur Hua, CEO ng YFC Eagle (Taiwan), YFC Director Garfield Cheng; Nakasama rin nila sina Tereso O. Panga, OIC DG Phil. Ecozone Authority, Mayor Ace Jello Concepcion ng Mariveles, dating bokal Bong Galicia na kumatawan kay Gov. Joet Garcia, Tarlac Congressmen Victor A. Yap at Christian Yap.
The post Expansion ng YFC Corporation, maraming makikinabang appeared first on 1Bataan.