Ayon sa ulat ni G. Ramon Perez, Education Supervisor, DepEd-Bataan, sa katatapos na pulong ng Provincial Advisory Council (PAC) nitong Huwebes, 100% na ng ating mga paaralan sa lalawigan ang magdaraos ng face-to-face classes simula sa ika-28 ng Marso.
Ipinaliwanag ni G. Perez na limitado ang bilang ng mga estudyante na papasok sa face-to-face classes ito ay ang mga sumusunod: sa kindergarten ay 12; sa grades 1 to 3 ay 16 sa grades 4 to 6 ay 20; sa grades 7 to 10 ay 20 at 12 sa TechVoc. Liwas liwas umanong papasok kada isang linggo, ang mga bata. Ang naunang natapos mag face-to-face ng unang linggo ay mag uuwi ng mga modules o aralin na kanilang sasagutan sa bahay habang hinihintay ang susunod nilang face-to-face classes.
Nilinaw din ni G. Perez na tanging bakunadong guro lamang ang pwedeng magturo samantalang, bagama’t hindi mandatory na fully vaccinated ang mga bata ay may kampanya naman umano sila na hikayatin ang mga magulang na pabakunahan ang kanilang mga anak.
Siniguro din ni G. Perez na handa ang DepEd Bataan sa mga kinakailangang health protocols at maging mga first aid at emergency kits sa pagdaraos ng face-to-face classes.
The post Face-to-face classes sigurado na appeared first on 1Bataan.