Sa mensahe ni Congresswoman Gila Garcia sinabi niya na magiging madaling sundan ng 100 bagong graduates, ang karangalang naabot ni Engr. Lee Henry Castro na Topnotcher sa 2023 Agricultural and Biosystems Engineering Licensure Examination.
Ito ay kung talagang pagbubutihan nila ang kanilang pinagtapusan. Kung kaya’t bilang suporta ay nagsagawa ng 1Bataan Farms Orientation para sa lahat ng graduates mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng lalawigan sa Government Internship Program (GIP) ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pakikipagtulungan sa Bataan Peninsula State University (BPSU) Abucay Campus at Provincial Agricultural Office.
Ayon kay Cong Gila layunin ng nasabing programa na magbigay ng oportunidad sa mga bagong graduates ng kursong Bachelor of Science in Agriculture (BSA) at Bachelor of Science in Agricultural and Biosystems Engineering ( BSABE) na maipakita at magamit ang kanilang mga kaalaman at kakayahan sa larangan ng serbisyo pulitiko sa pamamagitan ng pagtatrabaho bilang Agricultural Field Technician sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.
Nagkakaisa rin sina Bataan Provincial Agriculturist Joey Dizon, DOLE- GIP Focal Person Eloisa Mercado, BPSU Abucay Campus Director, Dr. Walter Valdes at iba pang opisyal na malaking tulong sa mga bagong nagsipagtapos ang GIP para lalo pa nilang mahasa ang kanilang mga kaalaman.
The post GIP para sa mga gradweyt ng kusong agrikultura appeared first on 1Bataan.