Good governance at best practices ng Hermosa, ibinahagi ni Mayor Jopet

Philippine Standard Time:

Good governance at best practices ng Hermosa, ibinahagi ni Mayor Jopet

Personal na ibinahagi ni Hermosa Mayor Jopet Inton ang kanyang mga isinagawang sistema at mga karanasan sa pamamahala sa lokal na pamahalaan sa dalawang bagong alkalde ng Unang Distrito ng Bataan.

Nagsilbing Big Brother and Mentor si Mayor Inton sa mga bagitong Alkalde na sina Abucay Mayor Robin Tagle at Samal Mayor Alex Acuzar.

Ibinahagi niya ang mga polisiya at programa ng LGU-Hermosa na nagresulta ng mabilis na pagsulong ng progreso at ekonomiya sa first-class munipality na ito, na nagbunga rin ng pagkilala ng DILG at iba pang national awards na nakamit kagaya ng SGLG o ang Seal of Good Local Governance.

Ang pagkakaroon ng SGLG ang isang patunay at pamantayan ng maayos na pamamahala sa isang LGU na nakamit ng Bayan ng Hermosa sa pamumuno ni Mayor Jopet Inton.

Ayon pa kay Mayor Jopet, pinag-usapan din nila ang mga programa patungkol sa investment, imprastraktura bukod pa sa mga ideya at prinsipyo sa good governance na isinusulong ng mga nabanggit na lingkod bayan ng Bataan.

“Nagpulong kami para sa kooperayon at pagkakaisa ng bawat isa upang isulong ang pagpaparami ng investments, infrastructure projects at lalo pang pag-ibayuhin ang good governance sa aming mga bayan,” pahayag ni Mayor Jopet sa panayam ng 1Bataan News.

Dagdag pa ni Mayor Jopet, “ito ay ayon sa pangako namin sa taong bayan at alinsunod sa programa at layunin ng 1Bataan sa pangunguna ni Governor Joet Garcia na pataasin ang Human Development Index o HDI, ang antas ng pamumuhay ng bawat Bataeño sa kabila ng kinakaharap nating economic crisis dahil sa Covid-19 pandemic at nagaganap na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

The post Good governance at best practices ng Hermosa, ibinahagi ni Mayor Jopet appeared first on 1Bataan.

Previous Dinalupihan, gagawing “food basket” ng ikatlong distrito

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.