Sa panayam ng media kay Gov. Abet Garcia sa araw ng eleksyon, sinabi nitong magiging patas at ligtas ang ginaganap na halalan, na ayon pa sa kanya ay handang-handa ang buong puwersa ng kapulisan sakali’t magkaroon ng kaguluhan partikular na umano sa mga bayan ng Limay at Mariveles bilang mga areas of concern.
Samantalang nilinaw din ng magiting na Gobernador na bagama’t walang announcement o advisory ang PENELCO (Peninsula Electric Cooperative) hinggil sa pagkakaroon ng brownout sa araw na ito ay hinikayat niya ang lahat na maging handa sakali’t magkaroon ng emergency o di inaasahang brownout.
Sinabi naman ni Provincial COMELEC supervisor, Atty. Cristina Guiao-Garcia na nagkaroon ng malfunction sa ilang vote counting machines (VCM) sa mga bayan ng Limay at siyudad ng Balanga na agad namang naaksyunan.
Panghuli, sinabi ni Gov. Abet Garcia na bumoto sa Tenejero Elementary School sa Lungsod ng Balanga na, sa kabuuan, ang proseso ng eleksyon sa araw na ito ay generally peaceful and orderly.
The post Gov. Abet Garcia, binigyang-diin ang patas at ligtas na eleksyon appeared first on 1Bataan.