Kasabay ng pagdiriwang ngayon ng ika-124 na Anibersaryo ng Kasarinlan ng Pilipinas, at ng Pride Month ngayong Hunyo ay nagsama-sama ang mga kaanib ng LGBTQ Community sa Bayan ng Hermosa sa isang Grand Parade.
Pinangunahan ito ng “Asamblea Delas Hermosas Personas” o ang Assembly of Beautiful People katuwang ang Tourism Council ng Hermosa sa pamumuno ni Atty. Anne Adorable-Inton, Hermosa Tourism Office at ng tanggapan ni Hermosa Mayor Jopet Inton.
Ayon kay Clement Peñaflor, Tourism Officer ng Hermosa, nais ni Mayor Inton na makilala ang bayan ng Hermosa bilang “LGBTQ+ friendly municipality” hindi lang sa Bataan kundi maging sa buong bansa.
Halos lahat ng 23 barangay ng Hermosa ay nagpadala ng kani-kanilang kinatawan sa kauna-unahang Pride Month Parade ng naturang grupo. Pinakamatanda sa mga sumali ay si Rhea Gantang, 53 anyos at pinakabata si Rholand Lagrisola, 18 anyos.
The post Hermosa, LGBTQ+ friendly municipality appeared first on 1Bataan.