“Ang ating mga magsasaka ay hindi na sasakay sa kabayo para maghatid ng kanilang gulay at iba pang produkto papuntang bayan,” ito ang tinuran ni Hermosa Mayor Jopet Inton sa groundbreaking ceremony noong Sabado ng Mega Build Project (Phase 1) sa Màbiga.
Sinabi ni Mayor Inton na nahaharap na naman umano ang bayan sa pakikibaka, hindi na sa COVID-19 kundi pakikibaka para muling sumigla ang ekonomiya. Ayon sa commercial pilot na punong-bayan, dahil sa mga proyektong Mega Build na itinuturing na pinakamalaki sa kasaysayan ng Hermosa magiging maunlad ang kabuhayan ng mga residenteng nakatira sa mga upland barangay na dadaanan ng nasabing proyekto. Ang multi-bilyong access road project ay dadaan sa mga barangay ng Palihan, Bacong, Tipo, Bamban, Maite, Mabiga, Sacrifice Valley, at Subic Bay Freeport Zone.
Ito ay maguugnay din sa dalawang economic zone na nalatakdang itayo sa mga darating na taon sa Hermosa.
The post ‘Hindi na sasakay sa kabayo:’ appeared first on 1Bataan.