Hindi natinag na mga tandem sa Eleksyon 2022

Philippine Standard Time:

Hindi natinag na mga tandem sa Eleksyon 2022

Sa kabila ng matinding unos na dala ng nakaraang halalan, may ilang magkapareha sa pagka-mayor at vice mayor sa Bataan ang hindi natinag dahil sa kanilang magandang track record sa panunungkulan.

Kabilang dito ang mag-amang Mayor Nelson David at kanyang anak na si Vice Mayor Richie David ng Limay. Hindi naigupo ang mag-ama ng mga katanggali na magkamag-anak din na sina Ver Roque na kumandidatong mayor at Robert Roque na bumalik at humabol para vice mayor.

Nanalo rin ang magtiyuhin na sina Mayor Antonio “Tonypep” Raymundo at pamangkin nitong si Vice Mayor Rex Fuster ng bayan ng Orion na kapuwa nasa ikatlong termino na.

Sa bayan naman ng Bagac nanalo sa kanyang pangalawang termino si Mayor Ramil del Rosario at pamangkin nito na si Vice Mayor Ron del Rosario.

Lahat sila ay kumandidato sa ilalim ng 1Bataan Team ni Gob. Albert Garcia na naproklama kamakailan bilang nanalong Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Bataan.

The post Hindi natinag na mga tandem sa Eleksyon 2022 appeared first on 1Bataan.

Previous Bataeños re-elect eight mayors

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.