Ipinabatid ni AFAB Chairman Emmanuel Pineda na simula sa ika-15 ng Hunyo, taong kasalukuyan, mababago na, ang paggamit ng FAB Workers Pass (FWP) dahil susundin na ang color coding scheme sang-ayon sa “lugar at pakay”.
Ang itatalagang mga bagong kulay, na naaayon sa lugar at pakay ay ang mga sumusunod, Phase I- yellow; Phase 2- pink; Phase 3-green at One day pass/Aplikante – violet.
Dagdag pa ni Chairman Pineda na dahil dito, ituturing na “obsolete” o invalid na o wala nang bisa ang lahat ng kasalukuyang FWP, simula sa araw ng implementasyon ng bagong patakaran.
Kaya naman umano lahat ng FRES ay inaasahan na magpapasa ng mga updated FAB PASS request gamit ang nakasaad sa template na naglalaman ng kasalukuyan at aktwal na listahan ng mga empleyadong pumapasok at maaari itong isumite gamit ang email na labor@fab.gov.ph. o dalhin sa labor center.
Nilinaw din ni Pineda na ang pagpapalit ng mga itinalagang kulay ay gagawin tuwing ikatlong buwan.
The post Implementasyon ng ID color coding sa FAB workers appeared first on 1Bataan.