Binigyan ng pagkilala nina Pilar Mayor Charlie Pizarro at ng PNP sa pamumuno ni P/Major Larry Valencia, ang isang pump attendant, na si Ginoong Joel Icao Gloria dahil sa kanyang pagiging matapat at integridad.
Nakakita si G. Gloria ng isang bag na naglalaman ng P50,560.00 cash at isang pistol firearm na naiwan ng isang customer. Ayon kay G. Gloria hindi niya maatim na itago ang hindi kanya kung kaya’t isinauli niya ito sa may ari na si Ginoong Manuelito S. Lacanilao, na ganoon na lamang ang tuwa at pasasalamat sa nasabing pump attendant, at bilang pabuya ay binigyan niya ito ng kaunting halaga bilang pasasalamat.
Ayon kay Mayor Charlie Pizarro, magsilbi nawang inspirasyon at mabuting ehemplo sa lahat ng mga empleyado ng LGU ng Pilar ang ginawa ni G. Gloria.
Ayon naman kay P/Major Larry Valencia ng PNP Pilar, “Mr. Gloria’s action exemplifies high moral values, highlighting the importance of trust and accountability.
The post Isang pump attendant, tumanggap ng parangal appeared first on 1Bataan.