Lalo pang paiigtingin ang kampanya sa gun ban kaugnay ng darating na halalang lokal at nasyonal.
Ito ang tinuran ni Police Major Emmerson S. Coballes, bagong talagang hepe ng Hermosa police station sa bayan ng Hermosa. Pinalitan ni Coballes si P/Maj. Melanio DG Santiago na itatalaga naman sa ibang bayan.
Ang balasahan o reshuffle ng mga hepe ng iba’t-ibang police station sa Bataan ay isang mahalagang hakbang ng Philippine National Police (PNP) sa tuwing nalalapit ang halalan.
Nauna nang itinalaga ng pamunuan ng PNP regional office si Police Col. Rommel Velasco bilang bagong Bataan police director kapalit ni dating police director Col. Joel K. Tampis na itinalaga sa Camp Olivas, Pampanga.
Si Col. Velasco ay dati na ring humawak ng mataas na posisyon sa Camp Tolentino Police headquarters at naging hepe ng iba’t-ibang bayan sa Bataan.
The post Kampanya sa gun ban, paiigtingin pa appeared first on 1Bataan.