Sa muling pagbubukas ng in-person classes para sa mga kabataan at guro ay namahagi ng mga Learning Support Materials ang local government unit ng Hermosa, Bataan.
Ayon kay Hermosa Mayor Jopet Inton, namahagi sila ng 4,825 bond papers, 17 printers, 19 desktop computers, 144 toners at 150 drums para sa lahat ng pampublikong paaralan sa Bayan ng Hermosa.
Aniya, gagamitin ito ng mga guro, mula sa pondo ng Local School Board. Bukod sa learning support matetials, namahagi din sila ng 10 window aircon naman para sa Hermosa Conference Hall na siyang sentro ng mga gawaing pandistrito.
“Hangarin ng inyong lingkod na bigyang prayoridad ang edukasyon ng mga estudyante para sa kanilang five days in-person classes upang maipagpatuloy ang kanilang interest sa kanilang pag-aaral, at matugunan din ang pangangailangan ng ating mga guro,” sabi pa ni Mayor Inton.
Nakasama ni Mayor Inton sa pamamahagi sina Ronnie Mendoza DepEd Hermosa District Supervisor, Eva Imingan, Regional Education Supervisor FTAD, Robert Pantig SGOD Bataan, Maria Teresa Perez mula sa CID Bataan, at mga school principals sa buong Bayan ng Hermosa.
Dagdag pa ni Mayor Jopet, patuloy ang suporta ng Pamahalaang Bayan ng Hermosa sa pangangailangan ng mga paaralan kaisa si DepEd Hermosa District Supervisor, Ronnie Mendoza at ang mga punong guro ng bawat paaralan.
The post LGU-Hermosa namahagi ng learning support materials sa mga paaralan appeared first on 1Bataan.