Mt. Samat “rest stops” para sa bikers, sinisimulan na

Philippine Standard Time:

Mt. Samat “rest stops” para sa bikers, sinisimulan na

Kaugnay ng layuning gawing world-class tourism historical zone ang Dambana ng Kagitingan, sinimulan na kamakailan ang pagtatayo ng 12 rest stops at ang patuloy na pagsasaayos ng bike lane para sa mga turista at bikers sa ilang bahagi ng 7-kilometrong daan paakyat ng Mt. Samat.

Ito ang Phase 2 ng Mt. Samat Road Development Project, na naglalayong maglagay ng bike lane at side walk sa nasabing lugar upang maging mas ligtas at mas maginhawa ang pagbiyahe ng mga turista.

Matatandaang noong Disyembre 2021 ay natapos na ang Phase 1 ng Mt. Samat Road Development Project, kung saan nagkaroon ng bike lane at side walk sa mahigit 2 kilometrong bahagi ng daan.

Ang mabilis na pagsisimula ng Phase 2 ng nasabing proyekto ay sa pagtutulungan ng Department of Public Works and Highways, Tanggapan ng Bataan Congressional District 2, Provincial Government of Bataan at Mt. Samat Flagship Tourism Enterprise Zone (FTEZ) ng TIEZA.

Inaasahang magtutuluy-tuloy ang iba pang proyektong pangimprastruktura sa Dambana ng Kagitingan sa tulong ng FTEZ ng TIEZA at Department of Tourism. Ang pagtatalaga sa Mt. Samat bilang isang FTEZ ay naglalayong mas pagandahin ang Damabana ng Kagitingan at maglagay ng iba pang pasilidad na kaugnay ng kasaysayan ng Bataan at ng Bansa.

The post Mt. Samat “rest stops” para sa bikers, sinisimulan na appeared first on 1Bataan.

Previous “Ride for Valor” to save Bataan Death March heroes’ markers

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.