Nakakolekta ang Bureau of Customs, Port of Limay at Port of Mariveles dito sa Bataan nang mahigit 21 bilyong piso nitong unang kwarter ng taong 2022.
Ito ang masayang ibinalita ni Port of Limay BOC District Collector Atty. William Balayo sa isang news briefing kasama ang Bataan newsmen sa isinagawang pasinaya sa dalawang bagong fast patrol boats sa Port of Capinpin sa Orion nitong Martes.
Dagdag pa ni Atty. Balayo, sa naturang koleksyon ng BOC, umabot sa 5.45 bilyong piso ang collection target surplus nitong nakalipas na unang tatlong buwan, pinakamataas nitong buwan ng Marso na umabot naman sa P3.6 bilyon ang surplus.
Nitong katatapos na taong 2021, dagdag pa ni Balayo, ay nakapagtala ang BOC nang mahigit P71 bilyon at may collection target surplus na P12.9 bilyon na aniya ay pinakamalaking naitala sa kasaysayan ng BOC sa Bataan.
“This collections, surpluses will greatly benefit the province of Bataan because according to the Garcia-Mandanas Doctrine, wherein the Supreme Court said, more or less 30 percent of the collections of the national government will go to the local government unit, in this case, the Province of Bataan,” pahayag pa ni Atty. Balayo.
The post Mahigit P21B nakolekta ng BOC appeared first on 1Bataan.