Naging kapaki-pakinabang sa mga Bataeño na naghahanap ng trabaho ang ginanap na National Job Fair sa Bataan People’s Center kaugnay sa pagdiriwang ng ika-90 taong anibersaryo ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong uang araw ng Disyembre.
Pinangunahan ni Gov. Joet Garcia ang nasabing pagdiriwang na ayon sa kanya ay napakalaking tulong sa ating mga kababayan. Dalawampu’t tatlong locators ang nag-alok ng mahigit sa 3,000 trabaho at oportunidad para sa mga Bataeño.
Namahagi rin ang DOLE, ng iba’t ibang kabuhayan packages sa ating mga kababayan na benepisyaryo ng DOLE Integrated Livelihood Program.
Inilunsad din sa nasabing pagtitipon ang Project Angel Tree na programa ng DOLE na nagbibigay ng pag-asa sa mga child workers. Ang DOLE ay naghahanap ng mga donors at sponsors para i-grant ang wish ng isang child worker, dahil dapat lang makaranas ng kaligayahan ang bata tuwing Pasko.
Ginanap din ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyal ng Bataan Tripartite Industrial Peace Council.
Nakasama ni Gov. Joet sa pagdiriwang sina DOLE Regional Director Geraldine Panlilio, DOLE Provincial Director Leilani Reynoso, Board Member Benjie Serrano Jr. , Dr. Bong Galicia at mga PESO Managers and staff sa buong lalawigan.
The post Maraming trabaho, alok ng DOLE Job Fair appeared first on 1Bataan.