MEGA build project matatapos sa 2023

Philippine Standard Time:

MEGA build project matatapos sa 2023

Ito ang masayang ibinalita ni Hermosa Mayor Jopet Inton sa panayam ng media sa kanya. Inaasahang matatapos na sa susunod na taon ang bahagi ng nasabing proyekto sa Brgy. Palihan patungong upland barangays.

Sinabi pa ni Mayor Inton na 50% ng mga barangay ng Hermosa ay halos puro upland barangays na walang access noon, subali’t dahil sa mega build project ay mas madali nang maibababa ng mga magsasaka ang kanilang ani sa kabayanan gayundin, ito ang magiging daan patungong SBMA kung kaya’t inaasahang libong kababayan na naman niya ang magkakatrabaho.

Dagdag pa ni Inton, sa ngayon umano ay pinakamayamang bayan ang Hermosa sa unang distrito, dahil na rin sa lumalagong mga ecozone sa kanyang bayan na apat sa mga ito ay ang (1)Hermosa Economic Zone, (2) Phirst Hermosa, (3) Phirst Centrale at (4) Tipo Valley Realty. Ayon pa kay Mayor Inton, bago matapos ang kanyang termino ay nais niyang magkaroon pa ng ika-limang ecozone. Kabubukas lang ng malaking Township, at ang Hermosa Centrale ng Phirst Properties at Century Properties na itatayo sa Brgy Mambog na aabot sa 50 ektarya na may commercial complex, housing at mga factories.

Naniniwala umano siya na dahil sa napakaraming itinatayong imprastraktura sa bayan ng Hermosa, maraming investors ang nahihikayat na dito na magtayo ng kanilang mga negosyo.

The post MEGA build project matatapos sa 2023 appeared first on 1Bataan.

Previous Mga mangingisda, tumanggap ng ayuda

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.