Alam ni Mayor AJ Concepcion ang kalagayan ng kanyang mga kababayan matapos ang bagyong “Paeng”. Dahil halos lahat ng mga mangingisda ay hindi nakalabas sa laot, kaya’t hindi siya nagdalawang-isip na bigyan ng ayuda ang may 2,744 na mangingisda sa kanyang bayan.
Sa tulong ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles sa pamamagitan ng Department of Social Welfare and Development ( DSWD), gayundin ang organisasyong ALAB o Alay sa Bayan na Nag-donate ng mga canned goods, ay kanyang isinugo ang kanyang kinatawan na si Randall Butch Concepcion at MSWDO staff upang bisitahin ang lahat ng pamilya ng mga mangingisda sa coastal areas ng bayan ng Mariveles para bigyan ng mga food packs na naglalaman ng bigas, de lata, noodles at iba pa, upang kahit papaano ay maibsan umano ang kanilang paghihirap at maramdaman na hindi nakalilimot ang kanilang mga lider sa kanilang oras ng pangangailangan.
Gayon na lamang ang tuwa ng mga pamilya ng mga mangingisda na di man kalakihan ang ayudang natanggap ay sinabi nilang, ang mahalaga ay nandyan ang kanilang mga opisyal na nagmamalasakit sa kanila.
The post Mga mangingisda, tumanggap ng ayuda appeared first on 1Bataan.