Labis ang pasasalamat ng mga magsasaka sa Samal dahil sa mabilis na aksyon ni Mayor Alex Acuzar sa reklamo ukol sa umano’y maruming tubig na nagmumula sa isang planta.
Sa kanyang Facebook post kamakailan, sinabi ng magsasakang si Teodoro Guinto na natutuwa sila dahil mismong si Mayor Acuzar ang nag-imbestiga sa reklamong umano’y pulusyon na ibinubuga ng pagawaan ng papel sa Barangay San Juan, Samal.
Ang maruming tubig umano ay labis na nakakaperwiso sa mga tanim na palay. Sinabi pa ng mga magsasaka na labis silang natuwa dahil kahit maputik na daan ay nilakad ng punong-bayan makita lamang nang personal ang aktuwal na suliranin ng mga magsasaka– lalo na ang kalusugan at kabuhayan ng mga mamamayan.
Dahil dito, napag-alaman na pansamantalang ipinasara ni Mayor Acuzar ang bahagi ng planta kung saan nanggagaling ang maruming tubig. Diumano’y nakipag-ugnayan na ang pamahalaang-bayan ng Samal sa Department of Environment and Natural Resources para tingnan ang umano’y marumi tubig (toxic effluent) na ibinubuga ng planta.The post Mga magsasaka nagpasalamat appeared first on 1Bataan.