Dumating na sa bayan ng Mariveles noong ika-14 ng Agosto ang mobile solid waste machine na binili ng nasabing yunit pamahalaang lokal na malaki ang maitutulong upang mabawasan ang kanilang mga basura.
Ayon kay Municipal Administrator Tito Catipon, ang nasabing mobile solid waste machine ay iikot sa bawat barangay, upang doon pa lang ay mai proseso na ang mga basurang makukuha at ang lahat ng mga basurang non-biodegradable tulad ng mga gulay ay kakatasin at gagawing fertilizer samantalang ang mga plastic at bote ay gagawin namang bricks at mga hollow blocks. Dagdag pa ni Catipon na bagama’t magkakaroon ng schedule ang bawat barangay na iikutan ng solid waste machine, mas mamamalagi ito sa palengke dahil dito mas maraming basura na ipoproseso.
Ayon sa mga mamamayan, dahil sa malaking tulong ang nasabing mobile solid waste machine sa pagbabawas ng basura, malaki rin ang matitipid ng pamahalaan sa gastos na pwede namang magamit sa ibang programa.The post Mobile solid waste machine ng Mariveles appeared first on 1Bataan.