“Natupad na pangarap”

Philippine Standard Time:

“Natupad na pangarap”

Ito sinasabi ng limang punong barangay sa kanilang mga mensahe, sa inagurasyon at pasinaya sa mga bagong pasilidad na, mga plano ng noo’y mayor at ngayo’y Congresswoman Gila Garcia ng ikatlong distrito ng lalawigan, nitong nakaraang Biyernes sa bayan ng Dinalupihan.

Kasama ni Cong. Garcia si Mayor Tong Santos na nagsabing, napakalayo na ng narating na kaunlaran ng Dinalupihan sa loob ng siyam na taon, na ayon pa sa kanya ay produkto ng pagkakaisa, may isang direksyon na tinatahak at isang mahusay na lideBrgy Dalao; bagong child development centers 1 and 2, Brgy. health station, RHU 3 laboratory and dental clinic at senior citizens building sa Brgy. New San Jose; bagong development center at health station sa Brgy. Colo, development center sa Brgy. Kataasan at development center sa Brgy. Poblacion.

Sa kanyang mensahe, ramdam ang pagpapahalaga ni Cong. Gila Garcia sa kalagayan ng bawat tao lalo ng mga bata, na ayon pa sa kanya, ang kalusugan ay kayamanan at ang edukasyon ay ang tanging yaman na maipamamana natin sa ating mga anak.

Niliwanag din ni Cong. Gila na kahit anong proyekto ang hilingin ng bawat barangay kapag walang basehan ay hindi mapopondohan, at kailangang i-update ang kani-kanilang development plan na kumpleto sa datos.

Samantala, namangha ang mga punong barangay sa ginawa ni Cong. Gila, na dati ay pangarap lamang umano nila ang pagkakaroon ng mga nasabing pasilidad subali’t dahil umano sa sa sobrang sipag, pagmamahal at pagmamalasakit ni Cong. Gila Garcia, natupad na ang mga pangarap nila para sa kanila mga barangay.

Dumating din sa nasabing okasyon sina Vice Gov Cris Garcia, mga bokal ng ikatlong distrito, Bokal Popoy del Rosario, Bokal Angel Sunga, Bokal Jorge Estanislao, Bokal Harold Espeleta, Vice Mayor Fer Manalili at mga kaanib ng Sangguniang Bayan ng Dinalupihan.

The post “Natupad na pangarap” appeared first on 1Bataan.

Previous Tulay at Tenejero bypass road beautification, natapos na

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.