Sa ilalim ng Tulong Paghahanapbuhay para sa mga Displaced Workers o TUPAD Program ng Department of Labor and Employment DOLE, nakatanggap ng ayuda ang mga taga Morong na nawalan ng hanapbuhay dulot ng pandemya.
Ayon kay Morong Mayor Cynthia Linao-Estanislao, 50 sa kanyang mga kababayan na nawalan ng trabaho sa gitna ng pandemya ang nakatanggap ng ayuda na ipinamahagi nina Ms. Ma. Eloisa Mercado, kinatawan ng DOLE, Mr. Melchor Cui, hepe ng PESO-Bataan noong ika-23 ng Nobyembre.
Ayon kay Mr. Cui, ang mga benepisyaryo na taga Morong tulad ng mga benepisyaryo ng TUPAD sa ibang bayan, ay tumutulong sa paglilinis ng mga kanal at kalsada sa loob ng 10 araw, na ginagabayan ng Provincial Engineers Office.
Idinagdag pa ng hepe ng PESO, isa ito umano sa paraan ng pagtulong ng pamahalaan para maibsan ang epekto ng pandemya na kinakaharap sa ngayon ng taong bayan.
The post Nawalan ng hanapbuhay sa Morong, nakatanggap ng ayuda appeared first on 1Bataan.