Sa ginanap na groundbreaking ceremony noong ika-6 ng Agosto para sa itatayong Mariveles Centralized Kitchen sa Mariveles Health Complex, Brgy. Alas-asin, sinabi ni Vice Mayor Rubia na umabot sa limang (5) milyong piso ang idinonate ng GNPowers para sa nasabing proyekto na tatawagin nilang “Kusina ni Kuya”.
Sinabi naman ni Konsehal Ivan Ricafrente, Committee Chair ng Health ng Sangguniang Bayan ng Mariveles na ito ang flagship program ng Mariveles sa Nutrisyon at complementary sa programa ni Gov. Joet na Healthy Paaralan.
Ang gusali ng Kusina ni Kuya at lahat ng mga kasangkapan na gagamitin sa pagluluto at iba pang materyales ay donasyon ng GNPowers, samantalang ang kabuuang operasyon nito ay sasagutin ng Pamahalaang Bayan ng Mariveles. Idinagdag pa ni Konsehal Ivan na habang itinatayo pa ang gusali ng Kusina ni Kuya ay magbubuo naman sila ng samahan ng mga nanay na siyang mamamahala sa operasyon.
Ang nasabing gusali ay maaari ding gamitin kapag may mga kalamidad upang doon manggagaling ang mga pagkaing ipamamahagi sa mga evacuation centers.
The post P5M Kusina ni Kuya, pasisimulan na! appeared first on 1Bataan.