Mula sa pagsasanay ng mga magsasaka (farmers training) hanggang sa pagbebenta ng kanilang gulay at iba pang produkto mula sa bundok, ang pinag-uukulan ng pansin ng SM Foundation “Kabalikat sa Kabuhayan,” isang multi-stakeholder project na tumutulong sa 26,776 magsasaka sa buong bansa na nagsanay sa pagtatanim ng high-value crops para mapaunlad ang agrikultura.
Ang “KSK on Sustainable Agriculture Program” ay patuloy na sumusuporta sa makabagong pagsasaka sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga teknolohiya maging sa lalawigan at siyudad.
Ito ay may scholarship program para sa magsasaka upang magkaroon sila nang sapat na pagkain at nang pagkakataong mapa-unlad ang kabuhayan.
Sa isang pahayag, sinabi ng SM Foundation Inc. na magkakaroon ng pamilihan ng mga produktong agrikultural sa SM City Olongapo mula Biyernes hanggang Sabado.
The post Pagsasanay hanggang pagbebenta ng produkto appeared first on 1Bataan.