Sinimulan na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang pagtatayo ng isang gusali para sa Philippine Coast Guard (PCG) na nakatalaga sa Port of Limay sa Bayan ng Limay.
Ang proyektong nagkakahalaga ng P14.5 milyon na pinondohan sa ilalim ng 2023 General Appropriations Act, ay matatagpuan sa Barangay Lamao. Ayon kay DPWH Bataan 2nd Assistant District Engineer Armando Pamonag, ang isang palapag na multipurpose building ay may kabuuang sukat na 228.6 metro kuwadrado. “Layunin nitong magbigay ng espasyo para sa opisina at tirahan ng mga tauhan ng PCG. Ang saklaw ng trabaho ay kinabibilangan ng pundasyon hanggang bubong at mga electrical installation,” dagdag niya. Kabilang sa mga opisyal na dumalo sa groundbreaking ceremony ay sina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Bataan Governor Jose Enrique Garcia III. Inaasahang matatapos ang imprastraktura sa Nobyembre ngayong taon.
The post PCG building sa Limay, sinimulan na appeared first on 1Bataan.