PhilHealth, pinalakas ang preventive healthcare sa pamamagitan ng YAKAP

Philippine Standard Time:

PhilHealth, pinalakas ang preventive healthcare sa pamamagitan ng YAKAP

Inilunsad ng PhilHealth ang Yaman ng Kalusugan Program o YAKAP sa Gitnang Luzon bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang SONA 2025 na palakasin ang preventive healthcare at palawakin ang mga benepisyo ng PhilHealth.

Pinalawak ng YAKAP ang dating Konsulta Program upang isama ang cancer screening para sa mga sakit gaya ng breast, liver, lung, at colorectal cancer, at itinaas ang bilang ng mga libreng gamot mula 21 hanggang 75.

Ayon kay Dr. Julieta Diaz ng PhilHealth Region 3, kabilang din sa mga bagong benepisyo ang optometry care para sa mga batang edad 0-15, outpatient mental health services, emergency outpatient care, at preventive oral health. Bukod dito, itinaas din ang halaga ng coverage para sa ilang karaniwang karamdaman tulad ng dengue, caesarean delivery, breast cancer, at kidney transplant.

Mahigit ₱20.7 bilyon na ang nailabas na benepisyo ng PhilHealth sa rehiyon mula Enero hanggang Hunyo 2025. Sa kasalukuyan, 12.56 milyon na ang rehistradong miyembro at dependents sa Gitnang Luzon. Tiniyak ng PhilHealth Region 3 na makakarating ang YAKAP sa lahat, kabilang ang mga liblib na lugar, sa pakikipagtulungan sa DOH, LGUs, at sektor ng edukasyon.

The post PhilHealth, pinalakas ang preventive healthcare sa pamamagitan ng YAKAP appeared first on 1Bataan.

Previous Petron, kumita ng ₱5.3B sa kabila ng hamon sa merkado

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.