Police deployment sa mga business establishments, mas pinaigting

Philippine Standard Time:

Police deployment sa mga business establishments, mas pinaigting

Mas pinaigting na police deployment ang isa sa mga pangunahing hakbang o aksyon na isinagawa ng Bataan Police Provincial Office kaugnay ng napabalitang malawakang holdapan sa mga convenience stores partikular sa bayan ng Dinalupihan.

Sa panayam ng 1Bataan News nitong Lunes kay Bataan Police Director Police Col. Romell Velasco, kinumpirma nito na kilala na nila ang grupo na responsable sa mga holdapang ito pero tumanggi munang pangalanan ito dahil sa mga isinasagawang follow up operations.

Nabatid kay PD Velasco na ang naturang grupo ng mga holdaper ay nag-ooperate din sa Bulacan, Pampanga, Olongapo City, bukod pa dito sa Bataan.

Nitong lamang buwan ng Oktubre ay magkasunod na hinoldap ng grupong ito ang sangay ng 7 Eleven at Alfa Mart Convenience Stores sa Bayan ng Dinalupihan at tumangay ng malaking halaga ng pera at iba pang mahahalagang gamit.

Nakipag-ugnayan na rin aniya sila sa mga may ari ng mga business establishments na ito kaugnay sa pinaigting na security measures para hindi na maulit ang serye ng mga holdapang ito.

The post Police deployment sa mga business establishments, mas pinaigting appeared first on 1Bataan.

Previous “Natupad na pangarap”

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.