Sasahimpapawid na simula sa Mierkoles, Enero 19, 2022, ang radio program na pinamagatang “Police Hour” ng Bataan Police Provincial Office (BPPO) sa Poweradio 104.5 FM.
Ayon kay Poweradio Broadcaster and President, Jimmy Z. Managalindan, eere ito sa kanyang daily radio program na “Morning Date with Jimmy Z” tuwing Mierkoles mula 7 a.m. hanggang 8 a.m.
Pangungunahan ang nasabing radio program ng bagong talagang acting provincial director ng Bataan PPO na si Police Col. Romell Velasco katuwang ang mga chiefs of police sa bawat bayan sa ilalim ng temang: “May Malasakit Para sa Bayan at Serbisyong May Ngiti Mula sa Puso.”
Ayon kay P/Col. Velasco, layunin ng programang ito na maihatid sa mga mamamayan ng Bataan ang mga naging accomplishments at mga mahahalagang proyekto at public announcements mula sa bawat municipal at city police offices at stations ng 11 bayan at isang syudad ng lalawigan.
Mapapakinggan ang naturang programa sa FM radio sa 104.5 frequency modulation (FM) at mapapanood via live streaming sa official Facebook Page na Poweradio 104.5FM-Bataan.
The post “Police Hour” ng Bataan PPO eere na sa Poweradio appeared first on 1Bataan.