Isang bagong-bagong patrol vehicle mula sa pondo na nakuha ng LGU sa 2023 Seal of Good Local Governance Incentive Fund (SGLGIF) at apat (4) na motorcycle patrols na pinondohan naman ng Municipal Govt ng Pilar, ang magkakasabay na binasbasan.
Nagpasalamat si Mayor Charlie Pizarro sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ipinakitang suporta at pagbibigay-diin sa kahalagahan ng SGLGIF sa pagresponde sa oras ng pangangailangan ng mga mamamayan.
Pinangunahan ni DILG Prov’l Director Belina Herman ang symbolic turn-over ng mga sasakyan kina Mayor Pizarro at Vice Mayor Ces Garcia.
Samantala sinabi naman ni Vice Mayor Ces Garcia na malaking bagay ang mga sasakyan sa kanilang mabilis na pagseserbisyo, pangangalaga sa kaligtasan, pagpapanatili ng kaayusan at katahimikan ng kanilang bayan.
Sumaksi rin sa simpleng seremonya ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Pilar, MLGOO Annie Hipolito at iba pang mga opisyal ng DILG Region 3 at Fr. Felizardo D. Sevilla na siyang nagbasbas sa mga sasakyan.
The post SGLGIF nagkaloob ng bagong sasakyan sa Pilar appeared first on 1Bataan.