Sk leaders ng Pilar, aktibo sa mga proyekto

Philippine Standard Time:

Sk leaders ng Pilar, aktibo sa mga proyekto

Totoo sa kanilang sinumpaang tungkulin sa pagiging lider at magandang ehemplo sa kapwa nila kabataan ang ipinakikita ngayon ng mga SK Chairman sa bayan ng Pilar.

Ang kanilang SK Federated President na si Stephanie Kayle Lulu ay abalang-abala sa kanyang sinimulang proyekto na “recycle movement”, kung saan ay nangunguha sila ng iba’t ibang klase ng plastic bottles na ginagawa bilang paso at tinatamnan ng mga gulay at ibang halaman sa kanilang community garden, sa patnubay ng kanilang MENRO na si Jun Suguitan.

Samantala si SK Chairman Xander Alcantara at mga kagawad ng Brgy. Pantingan ay naglunsad ng paliga bilang unang aktibidad sa kanilang bagong barangay covered court.

Nagpasalamat sila maging ang kanilang Punong Barangay Ric Layug kina Gov. Joet Garcia, Cong Abet Garcia at Mayor Charlie Pizarro na tumulong para magawa ang nasabing covered court.

Dumalo naman si Vice Mayor Ces Garcia sa simpleng pasinaya at programa sa paliga, at sa kanyang mensahe ay hinikayat niya ang mga kabataan na i-enjoy lang ang kanilang paliga sa halip na ito pa ang pagmulan ng gulo.

The post Sk leaders ng Pilar, aktibo sa mga proyekto appeared first on 1Bataan.

Previous Sitwasyon ng edukasyon sa bansa

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.