Malaking hamon ang ibinigay ni Bataan DILG Provincial Director Carolina Hernan sa kanyang mensahe sa lahat ng mga bagong halal at re-elected na mga opisyal ng barangay sa ginanap na Mass Oathtaking kahapon sa Bataan People’s Center.
Ayon kay PD Hernan, ito ay ang Challenges, Community Mobilization at Core Values; na ang pagiging leader ay hindi lamang tinig kundi responsibilidad kung saan, mahaharap sila napakaraming pagsubok o Challenges. Pangalawa, ay Community Mobilization, na tungkulin at pananagutan ng mga opisyal ng barangay na mahikayat ang kanilang mga kabarangay na makibahagi sa mga programa at proyekto sa barangay, dahil ang lakas ng isang barangay ay nakabase sa “collective strength of their people”, at sa pag dedesisyon dapat kasama mo ang mga tao hindi lamang for transparency kundi mas gagaan at dadali ang trabaho. Ang panghuling “C’ ay Core Values, na bilang mga opisyal ng barangay, dapat nilang isaalang-alang ang kanilang integrity, vision at solution. Dapat nilang pangatawanan, panindigan at isabuhay na sila ay mga kagalang galang na opisyal ng bayan, at hindi exempted ang kanilang pribadong buhay dahil, “public service is a public trust”. Higit sa karangalan, kailangang marunong silang humarap sa pangangailangan ng kanilang mga kabarangay, remember that leadership is not all about power but responsibility and services to the people.
The post Tatlong “C” hamon ng DILG sa mga bagong opisyal ng barangay appeared first on 1Bataan.