TUPAD sa Hermosa at Samal, inumpisahan na!

Philippine Standard Time:

TUPAD sa Hermosa at Samal, inumpisahan na!

Sa pagsisimula ng kanyang ikatlong termino, kaagad na sinimulan ni Bataan 1st District Rep. Geraldine B. Roman ang TUPAD Program para sa pagkakaroon ng pansamantalang hanapbuhay ang kanyang mga ka-distrito sa pagtugon sa epekto ng Covid-19 sa kanilang kabuhayan.

Ang TUPAD ay isang safety net program ng DOLE para sa manggagawang nasa impormal na sektor gaya ng underemployed or self-employed workers na nawalan o naapektuhan ang kabuhayan o kita dahil sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine upang pigilin ang pagkalat ng COVID-19 simula pa noong taong 2020.

Kabilang sa sektor ang mga self-employed, direct hire or occasional workers, house helpers, transport drivers (PUVs, TNVS, pedicab, tricycle, atbp.), small enterprise operators, home workers, sub-minimum wage earners, magsasaka, mangingisda, atbp.

Ayon kay Congresswoman Roman, mahigit 440 benepisyaryo ang mabibiyayaan ng programang ito sa bayan ng Hermosa. Katuwang ni Rep. Roman ang Department of Labor and Employment sa pagbibigay ng bahaging ito ng kanyang #SerbisyongMayPuso sa Unang Distrito ng Bataan.

Sa isang simpleng programa tungkol dito ay dumalo si 1st District Board Member, Bokal Atty. Tony Roman na naglaan ng kaniyang oras upang makaharap ang mga beneficiaries.

“Makaaasa po kayo sa patuloy na #SerbisyongMayPuso at sa mas marami pang programang darating sa bayan ng Hermosa,” sabi pa ni Rep. Roman.

Samantala, sa bayan ng Samal ay inilunsad din ang kaparehong programa. Kasama ang mga staff mula sa tanggapan ni Congresswoman Roman ay sinaksihan ni Samal Mayor Alex Acuzar ang program orientation rito para sa 325 benepisyaryo.

Ang mga TUPAD beneficiaries ay magtatrabaho sa loob ng sampung (10) araw at kikita ng Php 4,500. o P450 kada araw.

The post TUPAD sa Hermosa at Samal, inumpisahan na! appeared first on 1Bataan.

Previous Mini market place, binuksan sa Camp Tolentino

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.

© 2023 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved

Powered by:

Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.