Unity walk at peace covenant signing, idinaos sa Bataan

Philippine Standard Time:

Unity walk at peace covenant signing, idinaos sa Bataan

Lumagda sa isang Peace Covenant ang mga kumakandidato sa iba’t ibang lokal na posisyon sa Bataan nitong Lunes.

Ayon kay Bataan PPO Director Police Col. Romell Velasco, layunin ng idinaos na programa na pag-isahin ang lahat ng sektor ng lipunan tungo sa pagdaraos ng ligtas at mapayapang halalan sa Mayo a nueve.

Ang tagumpay ng eleksiyon aniya ay masusukat sa pagkakaroon ng sportsmanship ng mga kandidato at walang maitatalang insidente ng karahasan sa buong panahon ng halalan. Pahayag pa ni Col. Velasco, katuwang nila ang mga kasundaluhan at Commission on Elections o COMELEC, puspusan ang paghahanda ng mga otoridad upang masigurong magiging maayos ang pagdaraos ng eleksiyon sa buong lalawigan.

Samantala, tiniyak naman ni PD Velasco na paiigtingin pa rin nila ang laban at pagbabantay sa anumang uri ng kriminalidad para sa katahimikan at kaligtasan ng mga nasasakupang mamamayan.

Nanguna sa Unity Walk, Inter-Faith Rally at Peace Covenant signing ang mga advocates ng Safe, Accurate, Fair, Election mula sa COMELEC, Bataan Police Provincial Office, AFP, Department of Interior and Local Government, Department of Education, Parish Pastoral Council for Responsible Voting, at National Citizens’ Movement for Free Elections.

Ang tradisyonal na peace covenant ay dinaluhan ng mga tumatakbong kandidato sa pinakamataas na posisyon sa lalawigan mula congressman, gobernador, vice governor, mga bokal, ilang mayoralty cvandidates at councilors kasama si Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos.

The post Unity walk at peace covenant signing, idinaos sa Bataan appeared first on 1Bataan.

Previous Mga magulang masaya sa pagsisimula ng face-to-face classes

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.