Isa sa mga hindi malilimutang lugar na binisita ni Mayor Isko Domagoso Moreno, ay ang Brgy. Landing, sa bayan ng Pilar, na ayon sa kanya ay itinuturing niyang pangalawang tahanan.
Sa kanyang pagdalaw dito ay inalala ni Yorme Isko ang masayang paninirahan at makulay na karanasan niya sa mga naging barkada dito na sina Nante, Dey, Tantan, Kano at iba pang tao na tumulong sa kanila doon.
Ayon kay Nante, ang tawag umano nila kay Yorme Isko ay “Scott”, dahil yon daw ang nakalagay na pangalan sa shorts nito at kapag anihan ng palay ay nakikita niya ito na nagsisipok ng palay; Ayon kay Dey, ang naaalala niya kay Yorme Isko ay ang pamumulot nito ng kalakal sa tabing dagat. Ang naaalala naman ni Kano, ay kasa-kasama niya si Scott sa pangangapa ng ‘isdang tira” kapag naani na ang mga isda sa palaisdaan. Samantalang si Tantan, ay madalas umano kasama si Yorme na maligo sa dagat.
Samantala sinabi naman ni Aling Emma na madalas, matapos ang tanghalian ay pumupunta si Yorme sa kanila kasama ang mga pinsan nito at nagkukudkod ng niyog, kasi nagkakalamay sila, at ang bayad umano sa mga ito sa pagkudkod ng niyog ay isang maliit na bilaong kalamay na pinagsasaluhan nila.
The post Yorme Isko, dumalaw sa Brgy. Landing appeared first on 1Bataan.