Pagkilala sa mga batang 4P’s ng Hermosa

Philippine Standard Time:

Pagkilala sa mga batang 4P’s ng Hermosa

Ang Yunit Pamahalaang Lokal ng Hermosa sa pangunguna ni Mayor Jopet Inton, sa tulong ng DSWD Region 3 at Hermosa MSWDO ay nagsagawa ng Municipal Search for Exemplary Child na may temang; “Batang 4P’s, Huwarang Anak, Huwarang Kinabukasan”.

Ang nasabing programa na ginanap sa Assembly Hall ng nasabing bayan ay dinaluhan ng mga pamilyang benepisyaryo 4P’s kasama ang kanilang mga anak, na nagpakita ng talento sa pag awit, pagsayaw, pagtula, drawing at iba pang skills. Sina Clarke Evangelista, Andrei Alameda, Noah Algei Manalansan, Franchesca Francisco, Jocelyn Balintay at Bledge Ryland Lucas ay napiling may pinakamahusay na talento.

Ayon sa mga opisyal ng DSWD at pamahalaang bayan ng Hermosa, hinikayat nila ang mga batang ito at patuloy nilang susuportahan para higit pang linangin at pagyamanin ang mga talentong mayroon sila.

Sinabi naman ni Mayor Jopet Inton, na ang mga programang tulad nito ay patunay nang pagkakaisa ng mga pamilyang kaanib ng 4P’s at Pamahalaang Bayan ng Hermosa, na sama-samang suportahan ang mga programa at proyektong tulad nito na naglalayong mapabuti ang kinabukasan ng mga kabataan.

The post Pagkilala sa mga batang 4P’s ng Hermosa appeared first on 1Bataan.

Previous Rep. Nisay’s Lifelong Learning Bill ok’d for funding

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.