Pagpapalawig ng Gawaing Pagbabakuna sa Bayan ng Mariveles

Philippine Standard Time:
Pagpapalawig ng Gawaing Pagbabakuna sa Bayan ng Mariveles

Pagpapalawig ng Gawaing Pagbabakuna sa Bayan ng Mariveles

𝗣𝗔𝗡𝗢𝗢𝗥𝗜𝗡: Sa mga nagdaang buwan, muli na naman po tayong humarap sa isang matinding pagsubok sa pagpasok ng Delta variant sa Bataan na muling nagpataas ng bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa ating lalawigan lalo na sa Bayan ng Mariveles.

Bilang agarang pagtugon ay nakapagpatayo po tayo ng mga vaccination sites sa mga barangay upang mabigyan ng karagdagang proteksyon ang mga residente ng nasabing bayan. Nagbunga po ito dahil sa kasalukuyan ay unti-unti nang bumababa ang mga naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Mariveles.

Muli po ay napatunayan natin na sa pagtutulungan, pagkakaisa at malalim na pananampalataya sa Panginoon ay malalampasan natin ang kahit na anong hamon na ating kinakaharap.

Maraming salamat po sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaang nasyonal, lokal na pamahalaan, barangay, ospital, simbahan, at pribadong sektor na naging katuwang ng ating Pamahalaang Panlalawigan upang tugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan ngayong panahon ng pandemya.

#ProtektahanAngPamilya
#MagpabakunaNa
#1Bataan
#ResBakuna
#BeatCOVID19
#WeHealAsOne
#COVID19PH

The post Pagpapalawig ng Gawaing Pagbabakuna sa Bayan ng Mariveles appeared first on 1Bataan.

Previous Mga koop members nagtanim ng kasoy

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.