Masayang binati ni Cong. Geraldine Roman ng unang distrito ng lalawigan ang 135 bagong scholars, na ayon sa kanya ay talaga namang naapektuhan ng pandemya.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Cong. Roman na, alam naman natin na karamihan sa pondo ng Pamahalaan ay nagamit sa pagbili ng bakuna at pagbibigay ng ayuda ngunit hindi niya pinabayaan ang pondo para sa edukasyon, na sa halip na magbawas ay nagdagdag pa siya ng bilang ng mga scholars.
Mariin niyang hinikayat ang mga bagong scholars na huwag sayangin ang pagkakataon na sila ay natulungan bilang mga scholars dahil malaking bagay umano ito para mabago ang kanilang buhay.
Dumalo din sa CHED TULONG DUNONG Program ang mga opisyal ng BPSU na sina Ms. Anne Mae A. Concepcion, BPSU Scholarship and Financial assistance focal person at Dr. Ronell D. dela Rosa, Director for Student Affairs and Services, na tumulong sa pamamahagi ng mga tseke na nagkakahalaga ng P7,500. 00 sa bawat estudyante bilang kanilang financial assistance.
The post Scholars ni Cong. Roman, nadagdagan appeared first on 1Bataan.