Kung sa ibang probinsya ay may mga problema sa pagsisimula ng klase, taliwas ito sa Bataan partikular na sa bayan ng Mariveles kung saan, ang lahat ng 32,000 mag aaral sa lahat ng pampublikong paaralan mula kinder hanggang Senior High sy nabigyan ng libreng school supplies tulad ng notebooks, pad papers, pen, at tumblers.
Ayon kay Mayor AJ Concepcion, kasama si Dr. Rodger de Padua, nang mamahagi sila ng school supplies sa iba’t ibang paaralan, nakaka-inspire makita ang mga ngiti ng mga mag aaral at talagang madadama mo na sulit na sulit ang ginagastos ng Pamahalaang Bayan dahil ipinakikita ng mga mag aaral ang kanilang husay at galing, “you really reap the benefits”.
Ayon sa ilang magulang na nakapanayam ng 1Bataan, sinabi nilang buti na lang daw at dito sa Bataan nag-aaral ang kanilang mga anak, dahil bukod sa mga kaaya-ayang paaralan ay may ipinamamahagi pang mga school supplies.
The post 32 k na mag-aaral, tumanggap ng libreng school supplies appeared first on 1Bataan.