FAB, nakapagtala ng malaking pagtaas sa kalakalan sa taong 2024

Philippine Standard Time:

FAB, nakapagtala ng malaking pagtaas sa kalakalan sa taong 2024

Naitala ng Freeport Area of Bataan (FAB) ang makasaysayang pagtaas sa kalakalan ngayong 2024, base sa datos na inilabas ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB). Umabot sa 13,477 ang export transactions na nagkakahalaga ng USD 1.11 bilyon, mas mataas ng 5.94% kumpara noong nakaraang taon. Samantala, pumalo sa USD 3.77 bilyon ang halaga ng imports mula sa 13,617 transactions—isang napakalaking pagtaas na 514.62% mula 2023.

Ang pag-angat sa volume ng kalakalan ay nagpapakita ng mas pinaigting na aktibidad sa mga industriya sa loob ng FAB, kasabay ng pagpapalawak ng operasyon ng mga locators. Nanatiling competitive ang Freeport dahil sa mga insentibo, maayos na imprastraktura, epektibong customs processing, at lokasyon nitong estrategiko.

Patuloy ang pagsisikap ng AFAB na pasimplehin ang proseso para sa mga mamumuhunan at suportahan ang mga umuusbong na industriya. Sa tulong ng mga batas na nagbibigay-daan sa pamumuhunan, insentibong pang-ekonomiya, at isang bihasang lakas-paggawa, mas napapalakas ang posisyon ng FAB bilang sentro ng negosyo.

Kaugnay nito, umaasa ang pamunuan ng Freeport na higit pang lalago ang interes ng mga lokal at dayuhang mamumuhunan, lalo na sa ilalim ng CREATE MORE law na naglalayong magbukas ng mas maraming oportunidad para sa ekonomiya ng Bataan.

The post FAB, nakapagtala ng malaking pagtaas sa kalakalan sa taong 2024 appeared first on 1Bataan.

Previous BM Del Rosario lays down framework for FRVA

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.