Ipinagmamalaki ng Morong Water District ang natamo nilang parangal para sa maayos na operasyon at pamamahagi ng malinis na tubig sa buong bayan ng Morong.
Gayun pa man ayon sa kanila, may mga hamon pa rin tulad ng, may mga lugar na mahina ang pressure ng tubig, na isa sa tinalakay sa isang sesyon ng Sangguniang Bayan ng Morong para pag aralan ang pagkakaroon ng balanseng solusyon sa problema.
Isa rin sa mahalagang pinag usapan, ay ang gagawing rate adjustment sa singil sa tubig ng MWD, na nais nilang maging epektibo ngayong Hunyo 2025.
The post Morong Water District nakatamo ng parangal appeared first on 1Bataan.