Sa bisa ng Provincial Ordinance No. 5 Series of 2023 o 1Bataan Seal of Healthy Barangay, 37 barangay mula sa iba’t ibang bayan ng Bataan ang ginawaran ng P100,000 na cash incentives sa ilalim ng programang pangkalusugan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan. Ang pagkilala ay ginanap noong Oktubre 21, 2024 sa Bataan People’s Center.
Narito ang mga barangay na pinarangalan para sa ikalawang quarter ng taon:
1. Balanga City (Brgy. Camacho, Brgy. Cupang West, Brgy. Doña Francisca, Brgy. Malabia, Brgy. Munting Batangas, Brgy. Tortugas).
2. Dinalupihan (Brgy. Kataasan)
3. Hermosa (Brgy. A. Rivera, Brgy. Burgos Soliman, Brgy. Cataning, Brgy. Culis, Brgy. Daungan, Brgy. Palihan, Brgy. Pulo, Brgy. Tipo)
4. Mariveles (Brgy. Batangas II, Brgy. Maligaya, Brgy. San Carlos)
5. Orani (Brgy. Maria Fe, Brgy. Palihan, Brgy. Pantalan Bago, Brgy. Puksuan, Brgy. Silahis, Brgy. Wawa)
6. Orion (Brgy. Balagtas)
7. Pilar (Brgy. Ala-uli, Brgy. Balut 1, Bantan Munti, Brgy. Diwa, Brgy. Panilao)
8. Samal (Brgy. East Daan Bago, Brgy. Sta Lucia, Brgy. Tabing Ilog, Brgy. West Calaguiman, Brgy. West Daan Bago)
9. Limay (Brgy. Poblacion, Brgy. Wawa)
Bukod sa nasabing cash incentive, magkakaroon din ng karagdagang P200,000 na insentibo ang mga barangay na mapararangalan ng apat (4) na beses sa loob ng isang taon. Sa kabuuan, maaaring umabot sa 600,000 pesos ang matatanggap ng bawat barangay kung magpapatuloy ang kanilang magandang performance bawat quarter. Ang mga cash incentives na ito ay maaaring gamitin ng mga barangay para sa pagpapatupad ng kanilang mga programang pangkalusugan.
Pinangunahan ni Vice Gov. Cris Garcia, bilang kinatawan ni Bataan Gov. Joet Garcia, kasama ang Provincial Health Office sa pamumuno ni Dra. Rosanna Buccahan, at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ang paggawad ng parangal sa mga kinatawan ng bawat barangay. #1Bataan
The post 37 barangay sa Bataan, nakapag-uwi ng tig P100,000 cash incentives appeared first on 1Bataan.