67 Abukeñong estudyante, tumanggap ng sahod sa SPES Program ng LGU Abucay at DOLE

Philippine Standard Time:

67 Abukeñong estudyante, tumanggap ng sahod sa SPES Program ng LGU Abucay at DOLE

Tumanggap ng tig-₱6,273 na sahod ang 67 estudyanteng Abukeño na benepisyaryo ng Special Program for Employment of Students (SPES) ngayong Hulyo 29, 2025. Ang mga estudyanteng ito ay mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Bataan.

Ayon kay Mayor Erik J. Martel, ang natanggap na halaga ay katumbas ng 60 porsyento ng kanilang kabuuang sahod na ipinagkaloob ng Yunit Pamahalaang Lokal ng Abucay sa tulong ng Municipal PESO Office. Ang natitirang 40 porsyento naman ay ibibigay ng Department of Labor and Employment (DOLE) bilang katuwang sa nasabing programa.

Layunin ng SPES na bigyan ng oportunidad ang mga kabataan na magkaroon ng karanasan sa trabaho habang kumikita upang makatulong sa kanilang pag-aaral. Patuloy umano ang LGU Abucay sa pagbibigay ng ganitong programa upang mas maihanda ang mga kabataan sa mundo ng trabaho.

The post 67 Abukeñong estudyante, tumanggap ng sahod sa SPES Program ng LGU Abucay at DOLE appeared first on 1Bataan.

Previous DTI warns retailers and price manipulators

The Bunker

@ The Capitol Compound
Tenejero, Balanga City, Bataan 2100

Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.