Pinangunahan ni Gov. Joet Garcia bilang Guest Speaker ang 3rd Commencement Exercises ng Residency Training Program ng Bataan General Hospital and Medical Center nitong ika-2 ng Hunyo, 2025.
Sa kanyang mensahe, ibinahagi ni Gov. Joet ang maunlad na programang pangkalusugan ng lalawigan sa tulong ng BGHMC kung kaya’t ipinangako ni Gov Joet ang 100% porsiyentong suporta sa BGHMC para makapaghatid pa ng dekalidad na serbisyong medikal para sa ating mga Bataeño.
Sa pangunguna nina Dr. Glory Baltazar, Medical Center Chief II ng BGHMC, Dr. Angelito A. Flora Jr. at mga doktor sa iba’t ibang departamento ay nagkaroon nang maayos na training ang mga nagsipagtapos na doktor na sina, 1) Dr. Marina Victoria N. Tuliongco, 2) Dr. Mydil B. Cardines, 3) Dr. Marie Christine L. Delfin, 4) Dr. Erwin John R. Vicaldo, 5) Dr. Ray Chelline M. Manimtim at 6) Dr. Ina Paula R. Santos na pawang nagpahayag ng kanilang magandang karanasan at pasasalamat sa malawak na natutunan sa kanilang residency training.The post Anim (6) na doktor nagtapos sa BGHMC Residency Training Program appeared first on 1Bataan.