Balik Eskwela Diskwento Caravan 2025

Philippine Standard Time:

Balik Eskwela Diskwento Caravan 2025

Pormal na binuksan nitong Miyerkoles ng Department of Trade and Industry (DTI) ang tatlong araw na Balik-Eskwela Diskwento Caravan sa Plaza Mayor de Ciudad de Balanga upang matulungan ang mga pamilyang Pilipino sa paghahanda para sa pagbubukas ng klase. Magtatagal ito mula Mayo 14 hanggang 16, 2025.

Kabuuang 67 negosyante, retailers, distributors, at micro, small, and medium enterprises (MSMEs) mula sa iba’t ibang lugar ang lumahok sa aktibidad.

Kabilang dito ang 48 mula sa Bataan, pito mula Marikina, tatlo mula Maynila, isa mula Pampanga, at walo mula Nueva Ecija. Iba’t ibang gamit pang-eskwela gaya ng uniporme, sapatos, at iba pang pangangailangan ang ibinenta sa mas mababang halaga.

Ayon kay DTI Bataan Provincial Director Eileen Ocampo, naging natatangi ang nasabing caravan dahil sa malawak na pakikiisa ng iba’t ibang sektor. Aniya, hindi lamang ito proyekto ng DTI kundi isang kolektibong inisyatibo ng mga katuwang ng ahensya.Nagpasalamat si Ocampo sa mga lumahok, kabilang ang mga exhibitor, lokal na midya, at pamahalaang lungsod ng Balanga.

Binanggit niyang ang proyekto ay naging halimbawa ng tunay na bayanihan kung saan ang bawat isa ay may mahalagang ambag para sa tagumpay ng programa.

The post Balik Eskwela Diskwento Caravan 2025 appeared first on 1Bataan.

Previous Discounted price on various items launched by DTI

The Bunker

Capitol Compound, San Jose, City of Balanga, Bataan, Philippines 2100
Opening Hours:

Mon – Fri: 8:00 am – 5:00 pm

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

All content is in the public domain unless otherwise stated.
© 2024 - Provincial Government of Bataan. All Rights Reserved
Powered by:
Welcome to Bataan.gov.ph!
To enhance your browsing experience and ensure you receive the best possible service, we use cookies and collect certain information. By continuing to use our website, you consent to our use of cookies and our data practices as outlined in our Privacy Policy.