Dahil sa matinding hagupit ng mga nagdaang bagyong Crising, Dante, Emong at Habagat ay agad nagsagawa ng inspeksyon si Cong. Gila sa mga nasirang flood control structures sa mga barangay ng Luacan, Naparing, Colo at Old San Jose sa bayan ng Dinapupihan. Layon umano ng isinagawang inspeksyon ay upang masuri ang lawak ng pinsala at matukoy ang mga kinakailangang hakbang para sa rehabilitasyon ng mga nasirang imprastraktura.
Kasama ni Cong. Gila sap ag iinspeksyon sina Dinalupihan Mayor Tong Santos, Municipal Engineering Office, Project Development Officer, OIC- MEO at mga tauhan ng DPWH 3rd District Engineering Office sa pangunguna ni Engr.Patrick Vincent Zabala.|
The post Cong. Gila Garcia, nag-inspeksyon sa mga nasirang flood control structures appeared first on 1Bataan.