Kasabay sa pagdiriwang ng ika-15 taong anibersaryo ng Authority of the Freeport Area of Bataan (AFAB) ay naghandog ito ng kakaibang sopresa sa mga taong patuloy na nagtataguyod sa nasabing institusyon, ang mga FAB workers.
Sa kanlang FABayanihan program binigyan ang mga manggagawa ng mga libreng serbisyo na makapagpapa- relax sa kanilang mga pagal na katawan gaya ng masahe, gupit at merienda na ginanap sa FAB sports complex.
Ayon kay AFAB Administrator Hussein Pangandaman layon nito na ipadama sa mga workers na sila bilang kasama sa pundasyon ng AFAB ay kinikilala ang kanilang mahalagang kontribusyon sa pag unlad ng kanilang komunidad.
Ang mga libreng serbisyo ay bukas para sa lahat ng FAB workers na ang tangi lang ipepresenta ay ang ID nila bilang workers ng iba’t ibang factories sa FAB.
Isa lamang ito sa mga programang isinagawa ng AFAB.
The post FABayanihan Libreng Serbisyo appeared first on 1Bataan.