Isang surprise drug test sa lahat ng empleyado ng munisipyo ng Pilar ang ipinagawa ni Mayor Charlie Pizarro.
Ayon sa magiting na punong bayan, ang nasabing drug test sa simula ng taon ay bahagi ng pagsusumikap ng Pamahalaang Bayan ng Pilar para sa isang maayos, tapat at ligtas na pamahalaan. Dagdag pa ni Mayor Charlie, ito ay isang hakbang para sa mas maayos at responsableng paglilingkod.
Tahasang sinabi ni Mayor Charlie na ang sinumang magpo positibo sa drugs ay sasailalim sa isang seryosong deliberasyon, kung kinakailangang tanggalin agad sila, isuspinde o bigyan ng panahon para sila ay magbago pa.
Ang patuloy na pagkakaisa para sa isang progresibo at disiplinadong bayan ayon kay Mayor Charlie ay nagsisimula sa isang malinis at tapat na lingkod-bayan.
Matatandaang ang bayan ng Pilar ang may pinakamababang crime rate at bilang ng mga drug addicts sa buong lalawigan, base sa ulat ng Peace and Order Council ng lalawigan.
The post Para sa mas epektibong paglilingkod appeared first on 1Bataan.