Kaugnay sa kanyang vision na gawing “Agropolis” ang bayan ng Dinalupihan simula noong siya ay Mayor, hindi tumigil si Cong. Gila sa paghahanap ng mga resources upang lalo pang paunlarin ang pagtatanim, pag aani, produkto at buong proseso na ginagawa ng mga magsasaka.
Noong ika-3 ng Hulyo, kasama si Mayor Tong Santos ng Dinalupihan, mga opisyal ng PhilMech at MAO, kanilang binisita ang bagong gawang Rice Processing System 2 o RPS2 warehouse sa Brgy. Sta Isabel sa naturang bayan
Ang nasabing proyekto na isang yunit ng 2-3 tonner multi-stage rice mill at dalawang yunit ng 12- tonner recirculating mechanical dryer, na naglalayong mapabuti ang proseso ng pagpapatuyo at paggiling ng palay na mag-aangat sa kita ng mga magsasaka gamit ang modernong teknolohiya at pasilidad.
Isang dahilan kung bakit mababa ang presyo ng palay na binibili ng mga trader sa mga magsasaka ay dahil hindi maganda ang pagkatuyo ng kanilang palay, kung kaya’t ngayon ay makapagmamalaki na sila at makapag de-demand ng Magandang presyo ng palay dahil sa kalidad ng pagka-proseso dito, na talagang nais ni Cong Gila; maibigay ang talagang pangangailangan tulad ng mga pasilidad para sa mga magsasaka para umangat ang kanilang kita.
The post Rice processing project ni Cong. Gila handa na para sa mga magsasaka appeared first on 1Bataan.